Mga Tip at Trick Para sa Mabilis na Pag-Farm ng mga Karakter sa Ragnarok Origin Global 2023

Mga Tip at Trick Para sa Mabilis na Pag-Farm ng mga Karakter sa Ragnarok Origin Global 2023

Bilang isang massively multiplayer online role-playing game (MMORPG), nag-aalok ang Ragnarok Origin Global ng maraming feature na lalong nagpapainam sa paglalaro nito. Kasama sa mga feature na ito ang (away from keyboard) AFK farming, preset builds at daily quests na ilan sa mga pinakamahalaga. May ilang tip o gabay para sa Ragnarok Origin Global na malalaman sa patuloy na pagbasa ng article na ito na tutulong sa manalalaro na mabilis na mag-farm sa mundo ng RO.

Mahalagang Malaman sa Paggamit ng AFK Farming Feature sa Ragnarok Origin Global

Madaling kaligtaan ng ilang manlalaro na mayroon nang feature na AFK farming ang Ragnarok Origin Global MMORPG dahil maraming mas nais na aktibong laruin ito at tapusin ang kani-kanilang mga misyon. Pero para sa mga manlalarong walang masyadong oras na maglaro pero kailangang mag-gahol sap ag-ani ng mga resources, kapaki-pakinabang ang mechanic na ito ng Ragnarok Origin Global. Subalit hindi rin ganoong kadali na intindihin ang feature na AFK Farming.

Ragnarok Origin Global

Dapat tandaan na maaaring makakuha ng Experience at Item Drop araw-araw kung gagamitin ang AFK sa loob ng 150 minuto. Kapag umabot na sa pang-araw-araw na quota, papasok sa 'Fatigued' mode ang manlalaro at mahihirapan nang makakuha ng experience at item drop. Pero makakakuha pa ng resources ang manlalaro sa pamamagitan ng bagong mode na tinatawag na "Monster Annihilation" na anim ba beses nagpapalaki ng tsansa na makakuha ng mga item drop. Para i-activate ang mode na ito, kailangang gumamit ang manlalaro ng bagong uri ng salapi na twag ay "Blessing Time", na makakamit kung araw-araw maaabot ang 100 activity points. Magkakaroon ng 30 minutong Blessing Time ang manlalaro sa bawat 100 activity points.

Habang nakikibahagi sa kakaibang mode na Monster Annihilation Mode, ng Ragnarok Origin Global, magkakaroon din ang manlalaro ng access sa Lucky Candy na nagpapataas din ng tsansa ng mga item drops. Makakaani ng aabot sa 210 minutong Blessing Time ayon sa inaasahan ng komunidad. Ang mahalaga ay samantalahin ang mechanics para makakuha ng pinakamaraming rewards hanggang sa makakaya habang nagdaraos ng special event ang Ragnarok Origin Global. Panghuli, ang mga Magic Doll at Elemental Specimen ay maaaring makamit kahit na mabigp ang manlalaro na makakuha ng experience o item drop matapos maglaro ng 150 minuto sa gamit ang AFK Farming.

Isang Listahan ng mga Build na Inaalok na may mga Preset sa Ragnarok Origin Global

Kung nababagot na ang manlalaro sa mechanics ng isang particular na build, ang bahaging ito ay magbibigay ng karagdagang insight liban pa sa gameplay na AFK Farming. Ang build ng isang karakter sa Ragnarok Origin Global ay maaari pang i-customize. Binibigyang pagkakataon ang mga manlalaro na gumawa ng isang kakaibang build ng karakter na umaayon sa kanilang estilo ng paglalaro, sa pamamagitan ng abilidad na magbago ng spell, mga abilidad, alokasyon ng mga stat at mga kagamitan. Pero may tatlong preset na build ang Ragnarok Origin Global na puwedeng pagsalit-salitan sa halagang 20,000 Zeny, na siyang presyo para sa una at ikalawang beses, pero ang pagsalit sa ikatlong preset ay mas mahal matapos ang kamakailang update. Mahalagang isaalang-alang na ang feature na ito ay maaari lamang gamitin sa inyong punong karakter, na kailangan munang umabot sa level 45 para ma-unlock ang unang preset.

Ragnarok Origin Global

Ang pag-invest sa mga preset ay malaking game-changer sa Ragnarok Origin Global gameplay, kung saan malaki ang kahalagahan ng stats at skills sa pakikipaglaban. Rekomendado ng maraming batikang manlalaro sa komunidad ang pagsamantala sa feature na ito para mapanatiling presko ang laro at mapag-eksperimentuhan ang mga ibang builds nang hindi nawawala ang orihinal na build.

Mayroon ding isang user-friendly feature sa laro na nagbibigay kakayahan sa manlalaro na mag-reset ng mga preset anumang oras nang libre. Pero ang Ragnarok Origin Global gameplay na ito ay libre lang sa unang tatlong beses, pagkatapos ay may kabayaran na ito na katumbas ng ilang mga resources. Sa abilidad na pag-customize ng build, lalong lalaki ang potensiyal at lalong mangingibabaw ang karakter sa pakikipaglaban, kung ito'y sasamantalahin.

Ang Halaga ng mga Daily Quest sa Ragnarok Origin Global

Maraming iba't-ibang mga gawain ang tampok sa iba't-ibang mga event sa gameplay ng Ragnarok Origin Global lalo na sa panahon ng mga special event. Para mapagbuti ang Ragnarok Origin Global gameplay, mahalaga ang paglahok sa mga daily quest.

Alam ng lahat na ang mga quest ay nagre-reset araw-araw at nagbibigay ng mga gawain na minsan madali o minsan mapaghamon. Bagaman ang mga quest na ito ay may iba't ibang level ng hirap, maraming makakamit ang mga manlalaro mula sa mga main, daily at special quest na ito. Kasabay nito, ibat’ibang gantimpala ang ipinamamahagi bawat quest. Dagdag pa sa advantage na iyon, Malaki ang ambag ng mga daily quest sa pag-usad ng inyong karakter sa Ragnarok Origin Global.

Sa Pagtatapos

Bilang resulta ng article na ito, mahalaga na samantalahing mabuti ang mga feature na AFK Farming, preset builds, at daily quest ng Ragnarok Origin Global. Sa mabuting paggamit ng mga elementong ito ng Ragnarok Origin Global gameplay, madaling maisusulong ng mga manlalaro ang kanilang mga karakter maging ang kanilang mga karanasan sa paglalaro. Kung ikaw man ay isang masusing gamer or paminsan-minsan lang maglaro, maglaan ng kaunting panahon para intindihin ang mga feature na ito at mag-enjoy sa mundo ng Ragnarok Origin Global MMORPG.