Gabay sa Event ng Ikalawang Anibersaryo ng Ragnarok X Next Generation
Ayon sa pinakahuling anunsiyo galing sa Nuverse, ang publisher ng Ragnarok X Next Generation, maglalahad sila ng listahan ng mga update at event para sa paggunita ng ilkalawang anibersaryo ng kasikong MMORPG na ito. Ang mga update na ito ai dinisenyo para bigyang solusyon ng mga problema at alalahaning inilahad ng mga dedikadong manlalaro gaya ng class imbalance, kahirapan sa pagsasanay ng mga pets, pagkamit ng mga gold card at iba pa. Kasama rin ang mga in-game at offline na ROX Event.
Ang mga Unang Bonus Event
Magsisimula ang paggunita sa ikalawang anibersaryo ng Ragnarok X Next Generation sa pamamagitan ng paglunsad ng unang Bonus Event, na sakop ang maraming mga game update. Ang mga update ay magiging optimized at kabibilangan ng mga sumusunod na pagbabago:
1) Gold Card Spree Event: Makilahok sa mga Daily Activity Quest para makakuha ng Gold Card ng walang anumang gastos.
2) Pet Gameplay Update: Mag simpleng proseso sa pagkakaroon ng isang alaga o pet. Sinisiguro ang 100% na tagumpay.
3) Star Card Upgrade System: Ang pagtitipon ng dalawang magkamukhang card ay magpapahintulot ng upgrade sa mas malakas na Star Card.
4) Pagsasaayos sa Class Advancement
5) Paglunsad ng isang bagong server.
Ang patuloy na pagdiriwang ay magkakaroon ng kapana-panabik na kaganapan dahil si Poning ay mag-iibang-anyo at magiging si X Poning na magbibigay sa mga malalaro ng mas presko at nakakatuwang karanasan. AT upang mapalawig ang masayang pagdiriwang, nakipagtulungan si X Poning kay Kafra para maglunsad ng sunud-sunod na kawili-wiling mga ROX Event na siguradong magdadagdag ng mga nakalilibang na element sa okasyon.
Sa loob ng panahon sa pagitan ng Hunyo 25 at Hulyo 9, babalik ang event na may titulong "That Time I Got Reincarnated as a Slime" sa Ragnarok X Next Generation. Ang event na ito ang magpapakilala sa bagong multiplayer mode. Ang mga manlalaro ay magkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng mga bagong costume na kumakatawan sa mga kilalang karakter ng nabanggit na anime tulad nina Souei, Hinata Sakaguchi at Shizue.
Mga Eksklusibong Meet-and-Greet Event
Kasama rin sa ikalawang anibersaryo ang sunud-sunod na mga exklusibong meet-and-greet event na iho-host ng opisyal na team ng Ragnarok X Next Generation. Ang mga event na ito ay nakatakda na ganapin sa Jakarta, Indonesia sa Hunyo 17, na susundan sa Bangkok, Thailand sa susunod na araw. Ang mga manlalarong dadalo sa mga pagtitpon ay magkakaroon ng oprtunidad na makihalubilo sa Nuverse publishing team na responsible sa pag-develop ng ROX, at magkakaroon rin sila ng tsansa na makatanggap ng complementary game merchandise bilang tanda ng pagpapahalaga.
Para masiguro ang mas malawak na pakikilahok, madaling makakapagrehistro para sa parehong ROX event sa pamamagitan ng opisyal na ROX Community Platform. At saka bawat pagtitipon ay ibo-broadcast sa pamamagitan ng livestream na pinapayagan ang mga hindi makakadadalo na maranasan ang event mula sa kanilang tahanan.
Ang pagkakaroon ng libreng merchandise ng laro ay lalampas pa sa mga nabanggit na kaganapan sa pagkikita-kita. May pagkakataon ang mga adventurer na ipakita ang mga character ng laro mula sa anumang serye ng Ragnarok at maging karapat-dapat din na makatanggap ng komplimentaryong merchandise ng laro. Higit pa, ang mga adventurer ng Ragnarok X Next Generation ay kayang manalo ng grand prize na magpapalakas sa refinement level ng anumang uri ng kagamitan sa level 12.
Dapat tandan ng mga manlalaro na maging alerto sa paglabas ng ROX TRUCK. Mula noong Mayo 25, ang mga manlalaro ay lumalahok sa proseso ng pagboto para matukoy kung saan sa Pilipinas, Thailand, o Indonesia dadalaw ang ROX TRUCK. Ang mga nanalong lungsod ay ihahayag sa takdang panahon, na puno ng mga gantimpala at regalo ng mga produkto ng laro, na nagdaragdag ng isang kasiya-siyang