Paunang Gabay Paano I-Download ang I-Enjoy ang Ragnarok X Next Generation sa PC at Mac 2023
Papalapit na ang ikalawang anibersaryo ng popular na MMORPG na Ragnarok X Next Generation. Sa pagbalik-tanaw, matatandaan ito ay inilunsad noong Abril 23, 2021 sa mga bansa at rehiyon ng Timog-Silangang Asya. Sa gitna ng makabuluhang anibersaryo na ito ay ang opisyal na paglulunsad ng Ragnarok X Next Generation sa PC ngayong Hunyo.
Ayon sa pinakahuling anunsiyo sa opisyal na Facebook page, ilulunsad ng kilalang MMORPG na ito ang bersiyon nito para sa PC sa Hunyo 17.
"This is PC Version news from Kafra! The APK that we have released recently. We have received a lot of positive feedback from adventurers, so our team has also hurried the production progress from the PC side! ROX team finally decided to officially open the PC version on June 17th for adventurers to experience."
"Ito ay balitang PC Version mula sa Kafra! Ang APK na kamakailan naming inilunsad. Marami kaming natanggap na positibong tugon mula sa mga manlalaro, kaya minadali ng aming team ang pagsulong ng prodiuksiyon sa panig ng PC! Sa wakas ay nagpasya ang ROX team na opisyal na ilunsad ang PC version sa ika-17 ng Hunyo para agad maranasan ng mga manlalaro."
Sa napipintong paglunsad ng Ragnarok X Next Generation sa PC Platform, magkakaroon ng pagkakataon ang mga manlalaro na usisain ang nakabibighaning daigdig ng ROX na puno ng makapigil-hiningang pakikipagsapalaran, mga mahiwagang tanawin, nakakabighaning mga nilalang ng Midgard. Ang transisyong ito sa PC ay nagbubukas ng maraming posibilidad, na nagpapahintulot sa mga manlalaro na gamitin ang buong potensyal ng kanilang mga malalakas na graphic cards, habang nababawasan ang pagproseso na kinakailangan sa pagpapatakbo ng laro.
Sa ngayon, nagagawang mag-enjoy ang mga manlalaro ng Ragnarok X Next Generation sa PC gamit ang mga Android emulator gaya ng Redfinger cloud phone, na siyang naging mahalagang kagamitan ng mga manlalaro at developer, at siya ring nagbibigay ng maginhawang pamamaraan para maranasan ang mga app at larong Android sa ibang plataporma gaya ng PC at Mac.
Ngunit mahalagang tanggapin na ang performance at compatibility ng mga Android emulator ay iba-iba, depende sa gamit na partikular na software at hardware configuration. Gayunpaman, mababawasan ang pagkabahalang ito sa paggamit ng Android emulator gaya ng Redfinger cloud phone. Sa pamamagitan ng pagkuha ng maayos na Plan, mae-enjoy ng mga manlalaro ang Ragnarok X Next Generation sa PC at Mac nang walang limitasyon ukol sa specs n device, kabilang ang mga nagmamay-ari ng device na may mababang specs.
Heto na ang ilang hakbang na kailangan ninyong sundin kung nais ninyong gumamit ng Android emulator gaya ng Redfinger Cloud Phone para ma-enjoy laruin ang Ragnarok X Next Generation sa PC at Mac.
1. Hanapin ang REDFINGER sa Google Play at i-download ang app o Pumunta sa opisyal na website at gamitin ang app sa pamamagitan ng browser. Para sa mga gumagamit ng Redfinger iOS, maaari ring sa opisyal na website at gamitin ang app sa pamamagitan ng browser.
2. Tapusin ang mga hakbang sa pag-sign in upang ma-access ang Redfinger cloud smartphone. Paalala: Mangyaring tingnan ang mga tutorial na bidyo ng redfinger kung sakaling magkaroon ka ng mga isyu tungkol dito.
3. Hanapin ang Ragnarok X Next Generationsa search bar sa REDFINGER APP Store.
4. I-download at i-install ang laro sa Redfinger.
5. Simulan at i-enjoy ang paglalaro ng Ragnarok Origin Global gamit ang Redfinger.