Isang Sandaling Panimula Kung Paano Masayang Laruin ang Ragnarok Origin Global sa Pamamagitan ng Android Emulator

Isang Sandaling Panimula Kung Paano Masayang Laruin ang Ragnarok Origin Global sa Pamamagitan ng Android Emulator

Inilunsad noong Abril 6, 2023 ang Ragnarok Origin Global na umani ng matinding popularidad sa maraming manlalaro sa buong mundo. Upang mapahalagahan nang husto ang larong ito, mahalagang maging pamilyar sa iba't-ibang paraan ng pag-login, ang pinakamababang requirement ng system na kailangan para mapagana ito, at mga hakbang sap ag-download ng Redfinger Cloud Phone android emulator, At saka ang pagpili sa nararapat na plano sa Android Emulator na makakatulong mapagbuti ang karanasan sa paglalaro. Uusisaing maigi ng artikulong ito ang bawat detalye ng mga aspetong nabanggit upang mabigyan ng komprehensibong gabay ang mga manlalaro.

Mga Paraan sa Pag-Login sa Ragnarok Origin Global 

Makikita sa umpisa ng laro na maaaring ma-login ang mga manlalaro sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang Apple ID, Facebook, Google account, o kaya'y gumamit ng guest account. Maaari lamang mag-ingat kung Guest account ang gagamitin dahil kapag ang laro ay binura mula sa device o kaya'y gumamit ng ibang device, mawawala ang anumang data na na-save, ibig sabihin, hindi maitutuloy ang anumang laro na nasimulan na. Para maiwasan ang ganitong issue, kinakailangang gumamit ng mga nabanggit na bind account sa paglalaro ng Ragnarok Origin Global, kahit pa gumamit ng Android Emulator gaya ng Redfinger Cloud Phone.

Minimum Requirements Para Makapaglaro ng Ragnarok Origin Global

  • Android Devices na may 3GB o mas mataas na RAM, Android 6.0 pataas, 8GB Storage pataas.

  • iOS Devices: 3GB o mas mataas na RAM, iOS 10.0 pataas, 8GB o mas mataas na Storage.

  • PC: 8GB o mas mataas na RAM, 10GB na hard drive pataas, GeForce GTX 1050 o mas malakas na graphics card, Windows 7 pataas.

Ragnarok Origin Global    

Mga Hakbang Para sa Pag-Download at Pag-Enjoy sa Ragnarok Origin Global gamit ang Redfinger Cloud Phone

1. Hanapin ang REDFINGER sa Google Play at i-download ang app o Pumunta sa opisyal na website at gamitin ang app sa pamamagitan ng browser.
2. Tapusin ang mga hakbang sa pag-sign in upang ma-access ang Redfinger cloud smartphone. Paalala: Mangyaring tingnan ang mga tutorial na bidyo ng redfinger kung sakaling magkaroon ka ng mga isyu tungkol dito.
3. Hanapin ang Ragnarok Origin Global sa search bar sa REDFINGER APP Store.
4. I-download at i-install ang laro sa Redfinger.
5. Simulan at i-enjoy ang paglalaro ng Ragnarok Origin Global gamit ang Redfinger.

Paano Pumili ng Tamang Plan Gamit ang Android Emulator

Sa ngayon, ang Ragnarok Origin Global ay makukuha sa lahat ng uri ng device, at dahil sa katotohanang ang experience ng paglalaro ay base sa napili or ginamit na configuration, nararapat lamang na ang mas kaaya-ayang experience ng paglalaro ay makakamit sa mas magandang configuration. Pero, sa pangkalahatan, ang K10 plan ang pinaka-sulit kung iisipin ang halaga ng magagastos. Samakatuwid, kung nais ng magandang experience sa mababang halaga, nararapat piliin ng mga gumagamit ng Redfinger na piliin ang K10 plan.