Maiksing Gabay Para Ma-Enjoy ang Seal Mobile Gamit ang Android Emulator

Maiksing Gabay Para Ma-Enjoy ang Seal Mobile Gamit ang Android Emulator

Gawa ng PLAYWITH Games, ang Seal Mobile ay inilunsad noong May 11, 2023. Alam ng marami na masigabong layunin ng mga manlalaro nito ay ang agad na mag-level up at ma-unlock ang magagandang potensyal ng mga karakter nito. Kaya, ang article na ito ay magsisilbing gabay sa ganoong aspeto. Dagdag pa ay ang mga kailangang gawin para ma-download at ma-enjoy ang Seal Mobile gamit ang Android emulator gaya ng Redfinger Cloud Phone at mapalawig ang inyong paglalaro ng Seal Mobile.

Paano Mabilis na Mag-Level Up ng mga Karakter sa Seal Mobile

Upang ma-enjoy ng husto ang Seal Mobile dapat alamin kung paano ma-optimize ang proseso ng pag-level up.Panimula ay kailangang mag-concentre na tapusin ang mga pangunahing quest mula level 1 hanggang 10 hanggang sa dumating ang pagkakataong magpalit ng propesyon.

Kapag umabot na sa level 10 ang karakter at matagumpay na makapili ng nais na propesyon, ang susubod na gagawin ay ang pagsagupa sa mga hunting activity sa unang mapa tulad ng Travia Valley at housing Capital Elim. Sa loob ng Travia valley, mahusay na makakapag-grind laban sa mga halimaw at mag-advance hanggang sa level 16.

Upang maka-usad mula level 16 hanggang 25, inirerekomenda na sumuong patungo sa Upstream of Glasis River. Dito, ituon ang focus sa paglaban sa mga nilalang na Windy. Sila ang madalas na magiging kalaban at nagbibigay ng maraming experience points. Mahalagang na sumali sa isang party habang isinasagawa ito dahil ang lugar na ito ay malaki ang populasyon at kinakailangang maging mapanlaban at maging mahusay pumili ng posisyon habang kasama ng ibang manlalaro.

At tungkol sa paraan para mag-hunt ng mga halimaw sa Seal Mobile, narito kami upang kayo'y gabayan sa mga saligang hakbang sa paglalaro nito.

I-tap muna ang halimaw at alamin ang kasalukuyang level at iba pang mga impormasyon ukol dito. 

Ang pangalawang hakbang ay ang pag-pindot sa attack button para magsagawa ng basic attack sa napiling target, o sa pinakamalapit na target kung walang napili. 

Ang pinakamahalagang hakbang ay ang pag-set sa auto-battle. Ang automatikong pakikipaglaban ay mai-se-set sa PreferencesBattle Settings. Pindutin ang AUTO button para i-on o i-off ang auto-battle. 

Auto features in Seal Mobile

Gabay sa Pag-Download at Pag-enjoy sa Seal Mobile Gamit an Redfinger Cloud Phone

Pagdating sa "auto" feature ng Seal Mobile, malaking tulong ang Android emulator sa mabilis nap ag-level-up ng mga karakter sa klasikong MMORPG na ito. Dahil pinahihintulutan ng mga Android emulator ang mga manlalaro na magpatakbo ng maraming device gamit ang iisang account. Kaya ang mga manlalaro ay di na kailangang gumugol ng mahabang panahon para makamit ang malaking kita. Kaya, heto ang mga hakbang para ma-download at ma-enjoy ang Seal Mobile gamit ang Redfinger Cloud Phone:

1. Hanapin ang REDFINGER sa Google Play at i-download ang app o Pumunta sa opisyal na website at gamitin ang app sa pamamagitan ng browser.
2. Tapusin ang mga hakbang sa pag-sign in upang ma-access ang Redfinger cloud smartphone. Paalala: Mangyaring tingnan ang mga tutorial na bidyo ng redfinger kung sakaling magkaroon ka ng mga isyu tungkol dito.
3. Hanapin ang Seal Mobile sa search bar sa REDFINGER APP Store.
4. I-download at i-install ang laro sa Redfinger.
5. Simulan at i-enjoy ang paglalaro ng Seal Mobile gamit ang Redfinger.